Epektibo: Abril 9, 2025

Alam ng Samsung Electronics Co., Ltd. (“Samsung,”) kung gaano kahalaga ang privacy sa mga customer nito at kanilang mga empleyado at kasosyo, at sinisikap naming maging malinaw kung paano namin kinokolekta, ginagamit, ibinubunyag, inililipat, at iniimbak ang iyong impormasyon. Ang Patakaran sa Privacy na ito ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya ng aming mga kasanayan sa impormasyon kaugnay ng personal na impormasyong kinokolekta sa pamamagitan ng mga serbisyo ng Samsung Knox (ang “Mga Serbisyo sa Negosyo”).

Puwedeng pana-panahong i-update ang Patakaran sa Privacy na ito upang maipakita ang mga pagbabago sa mga kasanayan namin sa personal na impormasyon kaugnay ng Mga Serbisyo sa Negosyo o mga pagbabago sa naaangkop na batas. Isasaad namin sa itaas ng Patakaran sa Privacy na ito kung kailan ito pinakahuling na-update. Kung ia-update namin ang Patakaran sa Privacy, ipapaalam namin sa iyo nang maaga ang tungkol sa mga pagbabagong itinuturing naming materyal sa pamamagitan ng paglalagay ng abiso sa Mga Serbisyo sa Negosyo o sa pamamagitan ng pag-email sa iyo, kung naaangkop.

Anong impormasyon ang kinokolekta namin tungkol sa iyo?

Maaari kaming mangolekta ng iba’t ibang uri ng personal na impormasyon kaugnay ng Mga Serbisyo sa Negosyo.

Paano namin ginagamit ang iyong impormasyon?

Maaari naming gamitin ang impormasyong kinokolekta namin para sa sumusunod na mga layunin:

Sa pamamagitan ng Mga Serbisyo sa Negosyo, maaari kaming mangolekta ng personal na impormasyon tungkol sa iyong mga nakakonektang device sa paglipas ng panahon at sa mga device, mga app at iba pang online na feature at serbisyo. Maaari kaming gumamit ng mga serbisyo sa analytics ng third-party sa mga Serbisyo sa Negosyo, tulad ng mga serbisyo ng Google Analytics. Tinutulungan kami ng mga tagapagbigay ng serbisyo na nagbibigay ng mga serbisyong ito sa analytics na suriin ang paggamit mo sa Mga Serbisyo sa Negosyo at pahusayin ang Mga Serbisyo sa Negosyo. Ang impormasyong makukuha namin ay maaaring direktang ihayag o kolektahin ng mga tagapagbigay na ito at ng ibang nauugnay na mga third party na gumagamit sa impormasyon, halimbawa, upang suriin ang paggamit sa Mga Serbisyo sa Negosyo, tumulong sa pangangasiwa ng Mga Serbisyo sa Negosyo, at mag-diagnose ng mga teknikal na isyu. Upang alamin pa ang tungkol sa Google Analytics, pakibisita ang http://www.google.com/analytics/learn/privacy.html at https://www.google.com/policies/privacy/partners/.

Kanino namin ibinubunyag ang iyong impormasyon?

Ibubunyag namin ang impormasyon mo sa loob ng aming negosyo at sa mga sumusunod na entidad, pero para lang sa mga layuning nasa itaas.

Ano ang ginagawa namin upang mapanatiling secure ang iyong impormasyon?

Naglagay kami ng makatuwirang pisikal at teknikal na mga hakbang upang protektahan ang impormasyong kinokolekta namin kaugnay ng Mga Serbisyo sa Negosyo. Gayunpaman, pakitandaang bagama’t nagsasagawa kami ng makatuwirang mga hakbang upang maprotektahan ang iyong impormasyon, walang website, Internet transmission, computer system, o wireless na koneksyon ang ganap na ligtas.

Saan namin ililipat ang iyong impormasyon?

Sa pamamagitan ng paggamit o pagsali sa Mga Serbisyo sa Negosyo, puwedeng ilipat, iimbak, at iproseso ang iyong impormasyon sa labas ng bansang tinitirhan mo, alinsunod sa patakarang ito. Pakitandaang maaaring hindi kapareho sa pagkakomprehensibo ang mga batas sa proteksyon sa data at iba pang mga batas sa mga bansa kung saan maaaring ilipat ang iyong impormasyon kaysa sa yaong nasa sa iyong bansa. Magsasagawa kami ng mga naaangkop na hakbang, alinsunod sa naaangkop na batas, upang matiyak na mananatiling protektado ang iyong personal na impormasyon.

Ano ang iyong mga karapatan?

Sa ilalim ng mga batas ng ilang hurisdiksyon, maaaring may karapatan kang humiling ng mga detalye tungkol sa impormasyong kinokolekta namin tungkol sa iyo, tanggalin ang impormasyong nakolekta tungkol sa iyo, at iwasto ang mga kamalian sa impormasyong iyon. Maaari naming tanggihan na iproseso ang mga kahilingan na hindi makatuwirang paulit-ulit, nangangailangan ng hindi makatuwirang teknikal na hakbang, mailalagay sa panganib ang privacy ng iba, lubhang hindi praktikal, o kung saan ang pag-access ay hindi kinakailangan ng lokal na batas.

Kung humiling ka ng pagtatanggal ng personal na impormasyon, kinikilala mo na maaaring hindi mo ma-access o magamit ang Mga Serbisyo sa Negosyo at ang natitirang personal na impormasyon ay maaaring patuloy na manatili sa mga tala at archive ng Samsung sa loob ng ilang panahon, ngunit hindi gagamitin ng Samsung ang impormasyong iyon para sa mga layuning komersyal. Nauunawaan mo na, sa kabila ng iyong kahilingan para sa pagtatanggal, nakalaan sa Samsung ang karapatang panatilihin ang iyong personal na impormasyon, o isang nauugnay na bahagi nito, kung sinuspinde, nilimitahan, o winakasan ng Samsung ang iyong access sa website dahil sa paglabag sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng Samsung, kapag kinakailangan upang protektahan ang mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng Samsung, o alinman sa aming mga kaakibat, mga kasosyo sa negosyo, mga empleyado o mga customer.

Upang i-update ang iyong mga kagustuhan, limitahan ang mga komunikasyong natatanggap mo mula sa amin, o magsumite ng kahilingan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin ayon sa nakasaad sa seksyong Makipag-ugnayan sa ibaba.

Maaaring mag-alok ang Mga Serbisyo sa Negosyo ng pagtatanggal ng ilang partikular na impormasyon at mga komunikasyon tungkol sa mga produkto, mga serbisyo at mga promosyon. Maaari mong i-access ang mga setting upang alamin ang tungkol sa mga pagpipilian na maaaring available sa iyo kapag ginamit mo ang Serbisyo sa Negosyo.

Gaano katagal namin itatabi ang iyong impormasyon?

Gumagawa kami ng makatuwirang mga hakbang upang matiyak na nagpapanatili lang kami ng impormasyon tungkol sa iyo hangga’t kinakailangan para sa layunin kung saan ito nakolekta, o kung kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas.

Mga Link at mga Produkto ng Third-Party sa Aming Mga Serbisyo

Ang aming Mga Serbisyo sa Negosyo ay maaaring mag-link sa third-party na mga website at mga serbisyo na wala sa aming kontrol. Hindi kami mananagot para sa seguridad o privacy ng anumang impormasyong nakolekta ng mga website o iba pang mga serbisyo. Dapat kang mag-ingat, at basahin ang mga pahayag sa privacy na naaangkop sa third-party na mga website at mga serbisyo na iyong ginagamit.

Mga Cookie, Mga Beacon, at Mga Katulad na Teknolohiya

Kami, gayundin ang ilang mga third party na nagbibigay ng content, advertising, o iba pang functionality sa aming Mga Serbisyo sa Negosyo, ay maaaring gumamit ng mga beacon sa ilang partikular na mga bahagi ng aming Mga Serbisyo sa Negosyo.

Mga Beacon

Kami, pati na rin ang ilang partikular na mga third party, ay maaari ding gumamit ng mga teknolohiyang tinatawag na mga beacon (o “mga pixel”) na naghahatid ng impormasyon mula sa iyong device papunta sa isang server. Maaaring i-embed ang mga beacon sa online na nilalaman, mga video, at mga email, at mabibigyang-daan ng mga ito ang isang server na magbasa ng ilang partikular na mga uri ng impormasyon mula sa iyong device, alamin kung kailan ka may tiningnang partikular na nilalaman o partikular na mensahe sa email, alamin ang oras at petsa kung kailan mo tiningnan ang beacon, at ang IP address ng iyong device. Gumagamit kami at ang ilang mga third party ng mga beacon para sa iba’t ibang layunin, kabilang ang upang suriin ang paggamit sa aming Mga Serbisyo sa Negosyo.

Sa pamamagitan ng pag-access at paggamit sa aming Mga Serbisyo sa Negosyo, pumapayag kang iimbak ng mga beacon at iba pang impormasyon sa iyong mga device. Pumapayag ka ring i-access namin at ng mga third party na nabanggit sa itaas ang mga beacon at impormasyon.

Makipag-ugnayan

Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa patakarang ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa: dataprivacy@samsungknox.com